GENERAL SANTOS CITY – Matagumapay na inorgnisa ng Bombo Radyo Gensan ang BomboBancarera Sarangani Bay Fesival edition kahapon na isinagawa sa Gumasa, Glan, Sarangani Province kasabay ng pormal na pagbubukas ng Sarangani Bay Festival 2023.
Ito’y matapos dinagsa ng daan-daang katao na ang ilan ay nagmula pa sa ibat -ibang dako sa Mindanao.
Sa nangyaring bombo bancarera, nangibabaw ang galing ng banca rider na si Justin Grado na taga Santa Maria , lalawigan ng Davao Occidental matapos na ito’y mag-kampeon at nakatanggap ito ng P50,000 cash prize plus engine at propeller.
Ang 1st placer naman ay si Clarence Sellon na taga Santa Maria , Davao Occidental na nakauwi ng P30, 000 cash prize, engine, at propeller.
Habang ang 2nd placer ay si Junjun Sadico na taga Davao Oriental na nag-uuwi rin ng P20,000 plus propeller at si Jayson Bayaras na taga Iligan City naman ang 3rd placer na nag-uuwi rin ng P10,000 plus propeller.
Nabatid na lumagpas na sa 60 na mga banca riders ang sumali mula sa nakaraang 50 na nagmula pa sa ibat-ibang lugar sa Mindanao.
Nagpapasalamat din ang probinsya ng Sarangani sa pagpanguna ni Sarangani Gov. Rogelio “Ruel” Pacquiao sa lahat ng tumulong, mga partisepante, at maging sa Bombo Radyo Philippines sa magtagumpay na pag-ogranisa ng Bombo Radyo Bancarera Sarangani Bay Festival Edition.
Samantala nangako naman si Sarangani Gov. Rogelio Pacquiao na palalakihin pa ang premyo sa susunod na Bombo Bancarera na gaganapin pa rin sa Sarangani Bay.