-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Hinangaan ng ilang opisyal sa lalawigan ng South Cotabato ang pinakaunang aktibidad ng Bombo Radyo Koronadal sa T’nalak Festival na “Bombo Doble Kara Singing Competition” na isinagawa kagabi sa South Coatabato Gym and Cultural Center.

Ang naturang aktibidad ay bilang parte ng ika-51 foundation anniversary ng South Cotabato Province at Bombo Radyo Philippines.

Kaugnay nito, hinangaan ni South Cotabato Vice Governor Vicente De Jesus ang joint project na ito ng Bombo Radyo at probinsya na nagbigay kulay at saya sa selebrasyon ng 18th T’nalak Festival.

Tinanghal na kampeon si Julius Cajaro, 26, residente ng Maasim, Sarangani province sa kantang “Bakit Ikaw Pa” na nakatanggap ng cash prize na P10,000; wagi naman bilang 1st runner up si Edgar Rosios, 44, residente ng Katanggawan, General Santos City na nag-uwi ng P7,000 sa kanyang awiting “Budbud ug Bibingka.”

Habang 2nd runner naman si Ronron Dinopol, 31, residente ng Barangay Concepcion, Koronadal City na nagbulsa ng P5,000 sa pamamagitan ng  kantang “Samtang Ako may Kinabuhi Pa.”

Samantala hindi naman nagpahuli ang mga South Cotabateños sa panonood at hindi naging hadlang ang pagbuhos ng ulan.