ILOILO CITY – Ipapalabas na sa Middle East ngayong buwan ng Marso ang pelikulang “The Eventologist” na pinagbibidahan ng mga overseas Filipino workers.
Ayon kay Bombo Joseph Rivera, isa sa Bombo international correspondents sa Qatar at publicist at actor rin sa naturang pelikula, umabot sa tatlong taon ang produksyon ng The Eventologist.
Kuwento umano ito ng seasoned Filipino director at writer na si Oscar Yema noong nagsisimula pa lamang ito bilang Filipino entrepreneur sa Doha hanggang binigyang-buhay na nito ang entertainment industry sa Qatar.
Espesyal ang pelikula dahil Qatar-based overseas Filipino workers ang lahat ng crew at cast maging ang bida na si JC Santos na nagtrabaho rin noon sa ibang bansa.
Ngayong araw ang launching ng pelikula sa City Center Cinemas sa Doha, Qatar.
Balak rin ng production team na ipapalabas ito sa Pilipinas pagkatapos ng screening sa Middle East.