-- Advertisements --

ILOILO – Ikinararangal ng isang Ilongga na maging bahagi ng isang big-time promotional music video para sa napipintong 2024 Paris Olympics.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dee Donasco Thompson na isa ring international correspondent ng Bombo Radyo sa Tennessee, USA, sinabi nito na featured sa naturang music video ang American rock icon na si Dolly Parton kung saan kinanta nito ang Queen’s classic songs na We are the Champions at We Will Rock You.

Ipinagmamalaki ni Thompson na napili ito na maging bahagi ng production lalo na’t ang Olympics na gaganapin sa Paris, France sa 2024 ay isa sa pinakamalaking sports events sa buong mundo.

Aniya, isang araw lamang ang pag-shoot ng music video ngunit itinuturing niya itong hindi malilimutang karanasan lalo pa’t ipinalabas ang video eksaktong isang taon bago ang Olympics.

Maliban sa olympians at teams na bida sa video, featured rin ang pag-perform ni Parton sa harap ng Eiffel Tower at nagtapos sa kanyang pag-perform na pinaliligiran ng fans sa full stadium habang lahat ay kumakanta ng “We Are The Champions” at “We Will Rock You.”