-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagdadalamhati ngayon ang mga kaibigan at pamilya ni Bombo International Correspondent Merly Bunda matapos itong pumanaw habang nakaratay sa ospital sa Hong Kong.
Si Bunda na tubong Dingle, Iloilo ay ilang dekada nang nagsilbing correspondent ng Bombo Radyo Philippines sa Hong Kong.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Ramon Bunda, sinabi nito na pumanaw ang kanyang bunsong kapatid dahil sa stage 4 Uterine cancer.
Sa ngayon, pinag-iisipan pa kung iki-cremate ang bangkay ng kanyang kapatid upang madaling madala pauwi sa Pilipinas.