KORONADAL CITY – Muli na namang nakatanggap ng parangal ang Bombo Radyo Koronadal mula sa Philippine Red Cross (PRC)-South Cotabato Chapter at Department of Health.
Ito’y dahil sa malaking naitulong nito upang makalikom ng maraming dugo para sa mga nangangailangan.
Napag-alaman na pinangunahan nina Dr. Ervin Luntao, chairman of the Board of Directors ng PRC-South Cotabato, at Erwin Rommel Del Carmen na siyang Chapter Administrator ng PRC-South Cotabato, ang pagbibigay ng parangal sa mga outstanding public at private institutions sa nasabing probinsya sa Blood Donation Program.
Nanguna ang Bombo Radyo Koronadal sa private sector sa may pinakamaraming naiambag na dugo sa pamamagitan ng taunang Dugong Bombo na may layuning maisalba at madugtungan ang buhay ng mga nangangailangan.
Ang parangal ay kasabay ng Blood Donors Celebration and Recognition Ceremony na isinasagawa sa lungsod kaninang tanghali.