ILOILO CITY – Masayang ibinahagi ng mga Bombo Radyo at Star FM volunteers ang kanilang karanasan sa The Vote 2019 elections.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo sa mga volunteers, binalikan ng mga ito ang nangyari sa kanilang noong midterm elections kung saan binigyan ang mga ito ng libreng pagkain, bottled water at hindi rin tinanggap ang kanilang bayad ng malaman na bahagi sila ng Bombo Radyo Philippines coverage team.
Maliban dito, binigyan din ng espesyal na pagtrato ang mga volunteers kung ihambing sa ibang mga network.
Ang positibong reaksyon ng publiko ang nagpapatunay sa kridibilidad ng Bombo Radyo Philippines brandname.
Ayon kay Bombo volunteer Mary Rose Caguindangan, inalok pa ito ng mga libreng sakay at binigyan ng libreng pagkain at tubig.
Parang celebrity naman ang karanasan ni Bombo volunteer Smeth David, kung saan maraming nagpapakuha sa kanya ng pictures at mainit din ang pagtanggap sa kanya sa mga police stations.
Idinaan naman ni Bombo volunteer Jomar Villa sa tula ang kanyang karanasan at pasasalamat sa Bombo Radyo Philippines sa pagbigay ng pagkakataon na maging reporter.