-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Muli na namang pinatunayan ng Bombo Radyo Bacolod ang pananatili nito ng airwaves supremacy sa buong lungsod ng Bacolod at lalawigan ng Negros Occidental.

Sa isinagawang Kantar Media Survey sa last quarter ng taong 2020, nangibabaw ang DYWB Bombo Radyo Bacolod sa lahat ng AM Stations sa Bacolod at Negros Occidental.

Ang himpilan ay nakakuha ng 47.30 percent rating.

Mas mataas ito ng 15.6 percent kung ihahambing na pumapangalawang DYEZ Aksyon Radyo Bacolod na may 32.24 percent.

Pangatlo ang DYHB RMN Bacolod na may 15.59 percent, pang-apat ang DYSB Super Radyo na may 3.43 percent at panglima ang Radyo Veritas na may 1.02 percent.

Ang survey ay isinagawa sa huling bahagi ng taong 2020 kung saan tinanong ang mga residente na nakikinig sa AM stations.

Kasabay nito, nagpapasalamat ang himpilian sa lahat ng mga sumusuporta sa lahat ng mga programa at proyekto ng Bombo Radyo at tinitiyak na lalo pang paigtingin ang mga news and public affairs program na mapapakinggan sa 630KHz at mapapanood rin kasama ang mga videos at litrato sa Facebook live.

Magpapatuloy din ang mga promos na nagbibigay nga malalaking papremyo bilang bahagi ng aming taong-pusong pasasalamat sa mga masugid na tagapakinig kagaya ng Buena Mano Salvo Year 16 Promo na nagpapatuloy sa ngayon.