-- Advertisements --

BACOLOD CITY — Ilang mga awards ang nakuha ng Bombo Radyo at Star FM Bacolod kasabay ng “Tingog kag Handurawan Awards” ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) – Negros Occidental Chapter.

Pinarangalan ang station manager ng Bombo Radyo Bacolod na si Bombo Mary Divine Grace Cuello na newscaster sa Bombo News and Views Morning Edition, bilang Female News Presenter of the Year; Best Male Program Presenter si Bombo Pons Espino na anchorman ng Zona Libre habang nakakuha naman ng special award for broadcast engineering si Bombo Joselito Pagayon, ang chief technician ng Bombo Radyo Bacolod.

Nakuha naman ng Star FM Bacolod ang Best Entertainment Program for FM para sa “Perfect Countdown” at Best Radio Drama-FM Category para sa drama na “Messiah”.

Kasabay ng awards night, nag-oath taking rin ang bagong mga officers ng KBP Negros Occidental Chapter.