-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Muling pinarangalan ng Philippine Red Cross (PRC) – Benguet ang himpilan ng Bombo Radyo Baguio dahil sa kontribusyon nito sa pag-iipon ng dugo sa Dugong Bombo.
Ayon kay PRC provincial administrator Oscar Paris, malaking tulong para sa mga nangangailangan ng dugo sa lalawigan ang nalilikom ng himpilan sa naturang blood letting event.
Bukod sa himpilan, kinilala rin ng organisasyon ang tinaguriang “blood gallooners” na sina Wruchelle Wasit, Vialyn Manalo, Cheston Ceriaco, Paterno Esdio Jr., Corazon Lestino, Peter Paul Canuto, Dexter Thompson at Jennifer Panganiban.
Pinarangalan din ang 11 bang partners ng Red Cross sa blood donations.