GENERAL SANTOS CITY – Umaarangkada na ang Bombo Radyo Bancarera Mindanao circuit final leg na ginanap dito sa barangay Dadiangas South, General Santos City bilang isa sa mga highlight activities ng Tuna Festival 2023.
Napag-alaman nga kahapon dumating dito sa Gensan ang mga kalahok na nagmula pa sa iba’t ibang lugar.
Ang ilan sa kanila ay noong isang araw pa dumating dito sa lungsod at agad na nag-ensayo sa dalampasigan ng Southbay.
Tinatawag na Mindanao Circuit final leg ang bancarera na ito dahil ang tig-sampo na pinakamagaling mula sa rehiyon ng Caraga, Davao, Soccsksargen ang silang maglalaban para sa P100,000.00 plus engine at give aways sa matatanghal na champion, bibigyan din ng P50,000.00 plus engine ang first runner-up, tatanggap ng P20,000.00 at ang second runner up.
Matatandaan na ang Bancarera ang unang ipinakilala ng Bombo Radyo Philippines ilang dekada na ang nakalipas.