BUTUAN CITY – Pinarangalan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD-Caraga ang Bombo Radyo Butuan, bilang Most DSWD – Supportive Radio Station, sa isinagawang 2024 PANATA ko sa Bayan Awards kahapon sa Watergate Hotel nitong lungsod ng Butuan.
Ito’y bilang pagkilala sa di matatawarang suporta nitong himpilan sa pagpalaganap ng mga impormasyon kaugnay sa mga programa at serbisyong ibinigay ng Department of Social Welfare and Development sa lahat ng sektor sa komunidad.
Maliban sa pagbibigay ng impormasyon, layunin din sa pagbibigay ng award ay muling mabigyan ng access ang himpilan upang mapa-abot pa sa publiko ang mga proyekto at programa ng pamahalaan na idadaan sa nasabing ahensya.
Ang PANATA awarding ay bahagi ng ika-74 anibersaryo ng DSWD.