BUTUAN CITY – Kinilala ng Butuan City government ang Bombo Radyo Butuan bilang Radio of the Year ngayong taon sa ginanap na Media Summit na pinangunahan ng Butuan City Public Information Division kahapon.
Sa panayam kay Michiko de Jesus, ang tagapagsalita ng Butuan City government, inihayag nitong mismong ang mga Special Program for Journalism o SPJ students sa buong lungsod ang nagsilbing judges matapos ang kanilang obserbasyon at interview sa lahat ng mga media practitioners na kasama sa summit.
Binigyan ng certificate of commendation ang representante ng Bombo Radyo Butuan sa pangunguna ni acting Assistant Station Manager Rey Brangan na sya ring napiling Best Radio Commentator at Best News Anchor.
Maliban sa nasabing mga parangal, natanggap din nitong himpilan ang plaque of appreciation bilang pasasalamat ng lokal na pamahalan ng Butuan sa walang sawang suporta at kontribusyon ng Bombo Radyo Butuan upang maipaabot sa publiko ang mga programa at inisyatiba ng lokal na pamahalaan para sa mga Butuanons.