-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Isasagawa sa Hulyo 9 ang blood letting activity na pangungunahan ng barangay council ng Brgy. Doongan nitong lungsod ng Butuan sa pakikipag-ugnayan na rin ng Bombo Radyo Butuan.

Gaganapin ito sa kanilang covered court na magsisimula dakong alas-8:00 ng umaga.

Ayon kay Kapitan Gilbert Enriquez, inisyatiba ito ng barangay council sa pakikipag-ugnayan na rin ng Philippine Red Cross, City Health Office at ng Bombo Radyo sa kabila ng bantang hatid ng Covid-19.

Dagdag pa ng kapitan, hindi maaaring ihinto ang blood donations dahil patuloy na nangangailangn ng dugo ang mga ospital sa kabila nitong panahon ng pandemya.

Aabot sa 50 mga blood donors ang target na makunan ng dugo.

Dagdag pa ni Kapitan Enriquez, bukas ito sa mga residente ng ibang mga barangay kungsaan tiniyak nitong susundin pa rin nila ang mga health protocols gaya ng social distancing.

Ang mga nais sumali ay iisyuhan ng emergency pass dahil na rin sa ipinatupad na color-coding sa mga quarantine passes.

Maliban dito’y may ibibigay din silang libreng dental services at medical checkup para sa mga buntis.

Ang magiging mga suyccessful blood donors ay makakatanggap ng bigas at Dugong Bombo souvenier T-Shirt mula sa Bombo Radyo.