-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Sa pagnanais na magkaroon ng libreng reading eye glasses, tiniis ng mga listeners ng Bombo Radyo Butuan ang pagsunod sa mga health protocols masoluyunan lang ang problema sa kanilang paningin.

Simula pa lang nitong umaga ng Miyerkules at kahit nitong nakalipas na mga araw ay patuloy na nagdatingan ang mga nais maging benepisyaryo ng libreng eye care services nitong himpilan.

Kanya-kanyang pili ng magpi-fit sa kani-kanilang paningin ang mga listeners ng Bombo Radyo habang nakasuot ng face mask at nag-obserba ng social distancing.

Habang ang mga senior citizens na nagsadya naman nitong himpilan ay may bitbit pang chaperon at emergency pass mula sa mga barangay na kanilang pinanggagalingan.

Puro pasasalamat ang kanilang binigkas dahil maliban sa libre, malaking tulong na rin ito sa malabo nilang mga paningin lalo na kung sila’y magbabasa.