-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Binigyan ng pagkilala ng Department of Education o DepEd-Caraga ang Bombo Radyo Butuan sa kanilang isinagawang ‘Pahinungod sa mga KABULIG 2024,’ sa Balanghai Hotel and Convention Center nitong lungsod ng Butuan.

Ang naturang aktibidad ay isang avenue upang kilalanin at parangalan ang kanilang mga partners at stakeholders sa isinagawang Palarong Pambansa 2024, Regional Mental Health Project Pitching Competition 2024, Regional Teachers’ Got Talent 2024, at iba pang mga aktibidad.

Sa ibinigay na plaque of appreciation na nilagdaan ni DepEd-Caraga Director IV Maria Ines Asuncion, kanilang pinuri at buong pusong pinasasalamatan ang Bombo Radyo Butuan dahil sa walang humpay nitong partnership at suporta na nakatulong sa matagumpay na pagpapatupad ng kanilang mga programa, proyekto at iba pang aktibidad.