-- Advertisements --

BOMBO BUTUAN – Pinaranglan ng Department of Health at ng National Nutrition Council (NNC)-Caraga, ang Bombo Radyo Butuan sa isinagawang Regional Nutrition Awarding Ceremony o RNAC.

DInaluhan ito ng mga local government officials ng Caraga region, kasama ang mga nutrition advocates, representatives mula sa iba’t ibang government agencies, at mga partner stakeholders.

Ang naturang aktibidad na pinangunahan ni NNC Assistant Secretary ug Executive Director Azucena Dayanghirang ay isang selebrasyon sa dedikasyon, hard work, at sa mga remarkable achievements sa loob ng rehiyon.

Pinarangalan ang Bombo Radyo bilang media partner ng National Nutritition Council-Caraga sa pagpalaganap sa kanilang mga programa para sa kapakanan ng kalusugan ng mga Caraganons.