-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Labis na nagpapasalamat ang pamunuan ng Bombo Radyo Cauayan sa Outstanding Stakeholder of the Year award na iginawad kasabay ng 9th Founding Anniversary ng Tactical Operations Wing (TOWNOL) Philippine Air Force Northern Luzon.

Ang awarding ceremony ay ginanap nitong Biyernes ng umaga sa Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga at naging panauhing pandangal si MGen. Joselito Ramos, commander ng Tactical Operations Command (TOC) ng TOWNOL.

Ang tumanggap ng Plaque of Appreciation ay si Bombo Exiquiel Quilang, chief of anchormen ng Bombo Radyo Cauayan.

Nakatunggali ng Bombo Radyo Cauayan sa pagkamit sa nasabing parangal ang Brigada News FM at RMN sa Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Augusto Padua, commander ng Tactical Operations Group 2 sa Cauayan City, sinabi niya na na-nominate bilang Outstanding Stakeholder of the Year ang Bombo Radyo Cauayan dahil sa dedikasyon ng pagpapaabot ng mga makatotohanang impormasyon sa publiko.