-- Advertisements --
CDO dugong bombo

CAGAYAN DE ORO CITY – Muli na namang binigyan ng pagkilala ng Philippine Red Cross (PRC) ang Bombo Radyo Cagayan de Oro bilang “bloodiest radio station” sa buong rehiyon.

Ito ay matapos umabot sa 1,146 successful blood donors ang matapang na tumugon sa panawagan ng Bombo Radyo Philippines na mag-donate ng dugo sa Dugong Bombo 2019 na isinagawa sa Limketkai Atrium, Barangay Lapasan sa lungsod sa loob lamang ng isang araw na blood letting activity.

Mismong si Blood Center Manager Dra. Christina Marie Pelaez ang nag-abot ng testimonial plaque matapos naging matagumpay ang Bombo Radyo Philippines sa promosyon na Voluntary Blood Donation base sa nakasaad sa Republic Act 7719.

Una na ring nagbigay pugay ang PRC at Bombo Radyo Philippines sa lahat ng mga nakiisa sa Dugong Bombo 2019 na nagmula sa state forces, academe, private sectors, government employees, mga mag-aaral at ibang grupo na naglaan ng kanilang oras upang makapunta sa aktibidad.