CEBU CITY – Ginawaran ng Philippine Red Cross (PRC) Lapu-Lapu City Chapter at Cordova Chapter ang Bombo Radyo Cebu ng diploma of service.
Ito’y dahil sa walang tigil na pagbibigay ng libreng serbisyo at pakikipagtulungan ng Red Cross sa isinagawang mga bloodletting activities upang mabigyan ang mga mas nangangailangan ng dugo.
Ito rin ay sa pamamagitan ng taunang Dugong Bombo na isinagawa tuwing Nobyembre.
Napag-alaman na sa mahabang panahon, naging katuwang ang Red Cross at Bombo Radyo Philippines sa pagsasagawa ng Dugong Bombo kung saan maraming dugo ang naibigay mula sa mga blood donors mula sa 24 key cities at provinces ng bansa kabilang na ang Cebu.
Ang diploma of service ay ang pinakamataas na category award na ibinigay ng Red Cross sa mga katuwang nito.