DAGUPAN CITY- Muling pinarangalan ng Philippine Red Cross (PRC) Pangasinan Chapter ang Bombo Radyo Dagupan dahil sa malaking ambag nito sa larangan ng pangangalap ng dugo para sa nangangailangan nating kababayan kaugnay na rin sa taunang Dugong Bombo na isinasagawa tuwing buwan ng Nobyembre.
Sa isinagawang selebrasyon ng National Blood Donors Month tinanggap ng Bombo Radyo Dagupan ang 2019 blood service Awardee.
Sa loob na ng napakaraming taon , naging katuwang ng Red Cross ang Bombo Radyo Philippines sa pangangalap ng dugo sa pamamagitan ng Dugong Bombo kung saan maraming dugo ang naibigay mula sa mga blood donors mula sa 24 key cities at provinces ng bansa
Ang Dugong Bombo: A little pain, a life to gain naman ang taunang nationwide blood letting activity ng Bombo Radyo Philippines .
Ang naturang aktibidad ay halos 2 dekada ng isinasagawa ng Bombo Radyo Philippines bilang bahagi ng corporate social responsibility nito sa kumunidad.