-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kinilala ng Philippine Navy ang himpilan ng Bombo Radyo Iloilo bilang Number 1 Radio Station sa Iloilo at isa sa mga partner organization ng nasabing ahensya.

Ginawa ang awarding ceremony kasabay ng joint closing ceremony ng Philippine Navy sa Headquarters ng Naval Reserve Center-Western Visayas sa Arevalo, Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Commander Glyn Pahilanga, Deputy Commander ng Naval Reserve Center- Western Visayas, sinabi nito na ang Certificate of Appreciation na ibinigay sa Bombo Radyo Iloilo ay isang pagkilala sa mabuting impluwensya at kakayahan ng network sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko.

Ani Pahilanga, maaasahan na partner organization ang Bombo Radyo Philippines sa mga aktibidad ng Philippine Navy.

Sinisigurado din ng Philippine Navy na kanilang susuportahan ang mga programa ng Bombo Radyo Philippines at isa na dito ang Dugong Bombo sa buwan ng Nobyembre.

Kasabay nito, kinilala din ng Philippine Navy ang 26 na mga reservist na tumulong sa nangyaring Iloilo Strait Tragedy.