KALIBO, Aklan — Muli na namang binigyan ng pagkilala ng Philippine Red Cross (PRC) Aklan Chapter ang Bombo Radyo Kalibo dahil sa “Dugong Bombo…A Little Pain…A life to Gain” sa gitna ng pandemya dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isinagawang Annual Blood Donors Recognition, mismong si SP member Emmanuel soviet Russia dela cruz, chairman ng board of directors at Mary Joe Gallon, chapter administrator ang nag-abot ng certificate sa Bombo Radyo Kalibo na kumikilala sa matagumpay na promosyon nito sa National Voluntary Blood Services Program.
Noong nakaraang taon, upang makatulong pa rin na makaipon ng sapat at ligtas na supply ng dugo sa Aklan sa gitna ng pandemya, nakipag-alyansa ang Bombo Radyo kalibo sa iba’t-ibang local government units upang makapagsagawa ng blood letting activity.
Nang wala pang pandemya, drum-drum ng dugo ang nagawang maipon sa loob ng isang araw sa binansagang bloodiest na blood letting activity ng Bombo Radyo Philippines at Star FM sa buong bansa mula sa mga mamamayang tumugon sa panawagang maging blood donor.