KORONADAL CITY- Pinarangalan ang Bombo Radyo Koronadal bilang isa sa mahigit 50 National Awardees ng Philippine Red Cross sa isinagawang Culmination and Recognition sa Brgy Dansuli, Isulan, Sultan Kudarat.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Rey Larosa, Head of Blood Services sang Red Cross Tacurong Chapter, pinasalamatan nito ang Bombo Radyo sa pagsasagawa ng Dugong Bombo.
Ayon kay Larosa, nasa 54 mga National Awardees ang pinarangalan ng ahensya at nasa 56 naman ang local awardees kung saan tanging ang Bombo Radyo ang nag-iisang media entity sa buong probinsya ng Sultan Kudarat ang binigyan ng parangal dahil sa mga pagsasagawa ng blood letting activity.
Samantala, ipina-abot din ng Red Cross Tacurong Chapter ang buong suporta sa himpilan lalong lalo na sa pagsasagawa ng Dugong Bombo.