KORONADAL CITY- Pinarangalan ng Department of Health o DOH 12 ang Bombo Radyo Philippines at Bombo Radyo Koronadal dahil sa inisyatibo nito sa pagsasagawa ng Dugong Bombo at sa pagsuporta sa Universal Health Care.
Ayon kay Fatima Emban, Assistant Regional Director ng DOH 12 ipinahayag nito na laking tulong ang Bombo Radyo Koronadal sa pagsasagawa ng Bloodletting project.
Kasabay nito, pinasalamatan ni Emban ang himpilan sa pagsasagawa ng nasabing aktibadad na higit na nakakatulong sa mga nangangailangan ng dugo kagaya ng mga dialysis patient, mga buntis, may sakit na dengue at iba pa.
Maliban dito, pinarangalan din ang Bombo Radyo dahil naging katuwang ito ng DOH sa pagpapalaganap ng kagandahan na dulot ng Universal Health Care.
Ginanap ang nasabing aktibidad nitong Biyernes ng umaga sa Koronadal City.
Napag-alaman na bukas na ang pagsasagawa ng National Simultaneous Blood Letting Project ng lahat ng himpilan ng Star FM at Bombo Radyo ang Dugong Bombo 2019 kung saan inaaasahan na marami ang magdodonate ng dugo.