LAOAG CITY – Kinilala na naman ng Philippine Red Cross (PRC)–Ilocos Norte Chapter ang Bombo Radyo Laoag sa pamamagitan ng pagbigay ng pinakamataas na parangal dahil sa taunang Dugong Bombo.
Sa isinagawang Blood Donors’ Recogniton Day sa City Auditorium sa Lungsod ng Laoag, tinanggap ni Bombo Venerando “Randy” Yute,” officer-in-charge Station Manager ang plaque of recognition.
Nagpasalamat naman si PRC Adminitrator Mrs. Edna Orcino sa Bombo Radyo dahil sa mga dugong nalikom sa pamamagitan ng nasabing blood letting activity ng network na pinamagatang “A Little Pain, A Life to Gain.”
Sinabi nito na dahil sa mga nalilikom na dugo ay maraming mga natutulungan nito.
Kung maaalala, dahil sa Dugong Bombo noong nakaraang taon ay agad na nabigyan ng dugo ang ilang biktima ng dengue na nasa kritikal na kondisyon