LAOAG CITY – Pinarangalan ng Young Communicators’ Circle, isang organisasyon ng mga estudyante na may kursong communication arts sa Mariano Marcos State university ang Bombo Radyo Laoag bilang Best Local Radio Station sa buong lalawigan ng Ilocos Norte sa kauna-unahang Aweng Awards.
Maliban dito ay napangaralan rin ang reporter ng stasyon na si Bombo Romnick Quimoyog bilang best local radio personality na siya ring kumatawan sa Bombo Radyo Laoag sa katatapos na awards night.
Ayon kay Mr. Brett Andrew Rikke Bungcayao, Instructor I ng College of Arts And Sciences at Adviser ng Young Communicators’ circle, limang criteria ang nasunod da pagpili ng best local radio station at personality.
Aniya, 20% ang creativity, 20% ang clarity ng pagpapahayag at mga mensahe kasama ng pagkilala sa radyo bilang medium sa pagbabalita.
Ipinaalam ni Bungcayao na mula sa halos 200 na estudyante ng Communication program ay ang Bombo Radyo Laoag ang nakakuha ng pinakaamataas na puntos kasama ni Bombo Romnick Quimoyog bilang best radio personality.
Una rito, sinabi ni Bungcayao na naging hamon sa kanilang mga adviser ang pagbuo nga isang award giving body na kikilala sa mga media personalities at stations dito sa Ilocos Norte.
Samantala, ipinaalam ni Bungcayao na planong mapalawak ang sakop ng Aweng Awards kung saan naikokonsidera ang regionwide at nationwide awarding upang mabigyan ng parangal ang mga media practioners, platforms at personalities sa buong bansa.