LA UNION – Muling naging daan ang Bombo Radyo La Union para maisauli sa isang 18-anyos na binata ang nawala nitong pouch na naglalaman ng libu-libong pera.
Labis ang pasasalamat at hinahangaan ni Jubel Bartolome ng Barangay Lingsat, San Fernando City, La Union ang dalawang kalalakihan na nagtungo sa himpilan ng Bombo Radyo dahil sa tiwalang maibabalik ito sa tunay na may-ari.
Hinangaan niya ang katapatan ng dalawang “honest gentlemen” na sina Charlie CariƱo at Mark Anthony Flores ng Barangay Dalumpinas Este dito sa syudad.
Sinabi ng dalawa na napulot nila sa sementeryo ang nasabing pouch pero hindi nila pinag-interesan ang libu- libong halaga ng pera dahil naniniwala sila na kailangan ito ng taong nagmamay-ari.
Ayon naman kay Bartolome, bibili sana siya ng isda sa talipapa malapit sa sementeryo nang mawala ang dalang pouch.