-- Advertisements --
ambulance iloilo

ILOILO CITY – Naging daan ang Bombo Radyo Philippines upang matulungan ang 20 mechanical engineering graduates mula Iloilo City na kukuha sana ng Licensure Examination sa Cebu City ngunit na stranded matapos nagkahawaan ng COVID-19.

Sa 23 mechanical engineering graduates na pumunta sa Cebu City, 20 ang infected ng virus.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jomvie Pahilagao, mechanical engineering graduate, sinabi nito na nakatakda sana silang kumuha ng pagsusulit ngunit kalaunan ay kinansela ng Professional Regulation Commission.

Matapos marinig sa Bombo Radyo Iloilo ang hinaing ng mga mechanical engineering graduates, kaagad na tiniyak ni Iloilo City Mayor Jerry TreƱas na tutulungan ang mga ito.