KORONADAL CITY – Abot-langit ang pasasalamat at kagalakan ng pamilya ng isang OFW matapos nakauwi na ito sa bansa sa pamamagitan ng tulong ng Bombo Radyo Koronadal.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Rosalie Silvido, kapatid ng maltreated OFW na si Cora Ausan, ibinahagi nito ang mapait na dinanas ng kaniyang kapatid sa dalawang employer nito kung saan kinuha ang ila sa mga dokumento at visa nito at halos dalawang buwan ring hindi binigyan ng sweldo.
Ngunit wala umanong problema sa kaniya kahit walang pasalubong o perang dala ang kapatid basta ang mahalag’ nakauwi itong buhay at ligtas.
Nabatid na tumakas mula sa mga employer si Cora at nanatili ng 20 araw sa konsulada sa Dubai bago nakauwi.
Sa ngayon, nasa Metro Manila pa si Cora hanggang sa ngayon dahil wala itong sapat na pamasahe pauwi sa kanila sa bayan ng T’boli, South Cotabato.
Una rito Agosto 2019 dumulog sa Bombo Radyo si Rosalie upang manawagang iligtas ang kaniyang kapatid.