ILOILO CITY – Binigyan ng pagkilala ng Local Government Unit ng Oton, Iloilo ang Bombo Radyo Philippines dahil sa partnership sa Dugong Bombo 2020.
Ang resolusyon no.2020-119 na pinamagatang ” Resolution of Gratefulness to Bombo Radyo Philippines for the Partnership and Support inthe Bloodletting Activity of the LGU-Oton, Iloilo” ay iminungkahi ni Vice Mayor Vicente Flores Jr.
Ang nasabing bloodletting activity na isinagawa sa nasabing bayan at sinalihan ng ibat-ibang sektor.
Sa kabila ng COVID-19 pandemic, tumulong pa rin anya ang mga residente sa nasabing bayan sa pamamagitan ng blood donation.
Napag-alaman na ang Dugong Bombo ay civic project ng Bombo Radyo Philippines kung saan marami pa ang mga isasagawang blood donation sa ibat-ibang lugar.