-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hinikayat ni Police Major Renel Serrano, Regional Information Officer ng Police Regional Office o PRO-13 ang Bombo Radyo Philippines na makipag-ugnayan sa mga imbestigador ng PRO-13 sa nagpapatuloy na imbestigasyon matapos maaresto si Kabus Padatoon (KAPA) Community Ministry International Incorporated founder Joel Apolinario.

Ito ay may kaugnayan sa impormasyong natanggap ng Bombo Radyo kaugnay sa posibleng supplier ng mga baril ni Apolinario.

Aminado si Major Serrano, na maliban sa kanila ay may mga sariling imbestigador din ang Bombo Radyo Philippines na may nakuhang A-1 information dahilang mas magandang mabigyan rin sila ng kahit na kaunting impormasyon.

Sa pamamagitan umano nito ay posibleng mapadali ang paglutas ng kaso at mabigyan na ng hustisya ang mga biktima sa KAPA Investment scam.