ILOILO CITY – Makikibahagi ngayon araw sa Dagyang sa Calle Real ang Bombo Radyo Philippines.
Ang Dagyang sa Calle Real ang bahagi ng selebrasyon ng Dinagyang Festival 2020.
Makikisaya naman sa nasabing aktibidad ang mga iniidolong Bombo Radyo Iloilo personalities.
Sasama ang Bombo Radyo Philippines sa Tribu Sagasa na dating nanging three time champion sa Dinagyang Festival.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Philip Chua ng Iloilo Festivals Foundation Inc., sinabi nito na makikibahagi rin ang mga old barangay tribes na kinabibilangan ng Familia Sagrada, Anggola, Canyaw, Hamili, Panaad, Aninipay, Molave at Parianon.
Samantala, mamayang hapon, gaganapin rin ang Dinagyang Festive Parade mula sa Iloilo Freedom Granstand hanggang sa Calle Real kung saan sasama rin ang Bombo Radyo Philippines.
Las 7:00 naman mamayang gabi, gaganapin ang Grand religious sadsad.
Napag-alaman na kagabi, nagbigay rin ng kulay ang Float Parade of Lights.
Nakisaya rin ang Tribu Karab-Karab, Tribu Siga-Siga at Tribu Bulalakaw na champion sa Banaag Festival ng Anilao, Iloilo.