Kinilala ang Bombo Radyo Philippines bilang Most Reliable AM Station ng Trinity University of Asia sa 10th Platinum Stallion National Media Awards 2025.
Ang parangal na ito, na tinukoy sa pamamagitan ng isang komprehensibong survey na kinabibilangan ng iba’t-ibang grupo at komunidad, ay nagpapatunay sa hindi matitinag na dedikasyon ng network sa pagbibigay ng tapat na balita, pampublikong serbisyo, at impormasyon sa mga Pilipino sa buong bansa at sa buong mundo.
Ang Platinum Stallion National Media Awards ay isang prestihiyosong kaganapan na kumikilala sa kahusayan sa iba’t-ibang sektor ng media, kabilang ang telebisyon, radyo, pelikula, digital, at emerging platforms.
Ang Trinity University of Asia (TUA) ay isang private, Christian university sa Quezon City.
Itinatag noong 1963, ito ay dating kilala bilang Trinity College of Quezon City at mula noon ay lumago ito bilang isang reputable institution na kilala sa kahusayan sa health sciences, negosyo, komunikasyon, information technology at social sciences.
Bukod sa pinakahuling pagkilala na ito mula sa Trinity University of Asia, ang Bombo Radyo Philippines ay patuloy na kinikilala ng national research organizations bilang leading and most trusted radio network in the country.
Ayon sa Philippine Information Agency (PIA) National Survey on Media and Information, ang Bombo Radyo Philippines ay tinaguriang pinakapinagkakatiwalaang pinagmumulan ng balita at impormasyon sa radio category.
Samantala, ang OCTA Research 2024 Fourth Quarter TUGON NG MASA SURVEY ay nagsiwalat na ang Bombo Radyo ay ang nangungunang radio station na ginagamit bilang pinagmumulan ng balita at impormasyon ng mga nakatatandang Pilipino.
Bukod dito, ang Pahayag Survey Series ng Publicus Asia, Inc. ay patuloy na kinikilala ang Bombo Radyo bilang Pinakapinagkakatiwalaang Radio Network sa Radio Category.
Ang mga magkakasunod na parangal na ito ay nagpapatunay sa status ng Bombo Radyo Philippines bilang #1, pinakapinagkakatiwalaan, at pinaka-maaasahang radio network sa bansa.
Habang patuloy itong nangunguna sa larangan ng radio broadcasting, ang Bombo Radyo ay nananatiling tapat sa paghahatid ng totoo, at mahalagang balita at impormasyon sa sambayanang Pilipino. Basta Radyo…BOMBO!