NAGA CITY – Nagpasalamat sa Bombo Radyo Philippines ang mga barangay officials ng Barangay Pinagwarasan, Basud, Camarines Norte sa pagpapalabas ng tamang mga impormasyon hinggil sa karumaldumal na krimen na nangyari sa lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kap. Victor Samonte, sinabi nitong kahit pa malayo na ang nasabing lugar ay nagawa pa umano itong puntahan upang makuha ang mga tamang impormasyon.
Kung maaalala naihatid na sa huling hantungan kahapon ang tatlong bata na pinatay ng sariling ina na si Joan Majistrado dahil sa paniniwalang nakakaranas ito nang tinatawag na postpartum depression.
Habang ayon kay Samonte, hindi na muna umano babalik sa kanilang bahay ang ama ng nasabing mga biktima.
Kung saan magtatalaga na lamang muna ito ng isang barangay kagawad na malapit sa lugar upang pansamantalang magbantay sa nasabing bahay.