-- Advertisements --

ILOILO CITY – Sa pambihirang pagkakataon, ginawaran ng 5-time hall of fame award ng Philippine Red Cross (PRC) ang Bombo Radyo Philippines dahil sa taunang programa na Dugong Bombo.

Ginanap ang pagbibigay parangal sa Iloilo Convention Center.

Kinilala rin ng organisasyon ang pagiging aktibo at pangunguna ng himpilan ng Bombo Radyo Iloilo sa National Voluntary Blood Service Program.

Ang Dugong Bombo ay isa sa mga corporate social responsibilities ng kompanya.

Ito’y taunang bloodletting campaign na sabay-sabay ginaganap tuwing Nobyembre sa 24 key cities nationwide na mayroong Bombo Radyo at Star FM stations.

Tinaguriang “bloodiest activity,” naka-angkla ang programa sa sloga na: “A Little Pain, A Life to Gain.”

Maliban sa Dugong Bombo, kabilang din sa mga corporate social responsibilities ng Bombo Radyo Philippines ay ang taunang Bombo Medico na nagbibigay ng libreng serbisyo medikal tuwing buwan ng Hulyo; at ang Bombo Music Festival na naglalayong pagyamanin pa ang Original Pilipino tuwing buwan ng Enero.