-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dahil sa pag-inspire sa mga persons with disability (PWD), binigyan ng pagkilala ng Butuan City government ang Bombo Radyo Butuan at si Bombo Kevin Linaac kasabay sa selebrasyon nitong Lunes sa National Women with Disability Day.

Kaugnay ito sa pagkakapili ng entry ng Bombo Radyo Butuan sa programa nitong Good Morning Philippines bilang Best Educational Program ng 40th Catholic Mass Media Awards (CMMA) para sa taong 2018.

Ayon kay councilor Ferdinand Nalcot – chairman ng Committee on Senior Citizens and Persons with Disability sa Sangguniang Panlungsod, ikinatuwa ng city government ang pag-feature nitong himpilan sa matagumpay na life story ni Rhodora Fuertes na nanalo sa isinampa nitong kaso laban sa kanyang mga kapitbahay na nam-bully sa kanya dahil sa deperensya ng kanyang mga mata.

Dagdag pa ng konsehal na ang pagkapanalo ng nasabing entry ay magsisilbing eye-opener sa lahat ng mga tao upang hindi aapakan ang karapatan ng bawat-tao lalo na yaong mga PWDs.