-- Advertisements --

Sampung brand new Isuzu IPV na Bombo Radyo Patrols ang panibagong nadagdag na naman upang palitan ang mga naluma ng sasakyan ng mga Bombo Radyo stations. 

PATROLS

Tuwing ikatlong taon ay nilalayon ng Network na makabili ng 10 news patrol bilang commitment ng Bombo Radyo Philippines na pagpapaibayo sa news gathering at public service sa mga tagapakinig sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang Bombo Radyo Philippines ay merong mahigit 20 Bombo Radyo Patrols bilang pangsuporta para matiyak ang pangunguna sa paghahanap ng mga balita “first, fast and right” sa gitna na rin nang paglaganap ng mga fake news.

Ang pagsusumikap ng mga Bombo Radyo at Star FM stations ay alay sa mga tagapakinig nito na walang sawang sumusuporta sa mga programa at tumatangkilik sa mga promo campaigns.