-- Advertisements --
received 2773700966050785
Mr. Orly Pangcog and Bombo Christian Yosores accepts the award for Best Newscast Program – Provincial award

Umani nang parangal ang Bombo Radyo at Star FM sa ginanap na 27th KBP Golden Dove Awards na isinagawa sa Star Theater Pasay City.

Itinanghal na Best Newscast Program for Provincial ang News and Views Morning Edition “Basura” ng Bombo Radyo Cagayan de Oro.

Nagwagi naman bilang Best Public Service Program ang Bombo Lifestyle ng Bombo Radyo Iloilo.

Habang napili naman bilang Best Documentary Program ang Star FM Manila para sa Mother’s Day feature.

Ilan pang mga programa ng Bombo Radyo Philippines ang bumandera rin bilang finalists sa prestihiyosong award giving body.

Nasa 58 tropeya ang ibinahagi ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) para sa kanilang ika-27 taong edisyon ng pagbibigay ng parangal sa mga natatanging programa at personalidad sa industriya ng radyo at telebisyon.