BUTUAN CITY – Pinarangalan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD-Field Office Caraga ang Bombo Radyo Butuan sa isinagawang 2023 PaNata Ko sa Bayan Awarding Ceremony kahapon dito sa lungsod ng Butuan.
Ito’y may kaugnayan sa pagdiriwang ng kanilang ika-73 anibersaryo na may temang ‘Empathy in Action, Integrity in Service, Unity in Community.’
Ang pagbigay ng parangal ay bilang pagkilala sa 𝐁𝐨𝐦𝐛𝐨 𝐑𝐚𝐝𝐲𝐨 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬 na kanilang partner dahil sa naging kontribusyon ng network sa matagumpay na implementasyon ng kanilang mga programa at serbisyo.
Napag-alamang sa lahat ng radio stations ng buong Caraga Region, tanging ang Bombo Radyo lamang ang kinikilala ng DSWD kungsaan ang mismong si DSWD-Field Office Caraga Director Mari-Flor Dollaga ang nagbigay nito kasama si Undersecretary Denise Florence Bernos-Bragas na syang nagrepresenta kay Secretary Rex Gatchalian.