LA UNION – Excited na ang lahat ng mga finalist ng Bombo Singing Idol 2019 na ipakita ang kanilang talento sa pag-awit sa grand performnace night na gaganapin sa San Fernando City Plaza sa lalawigan ng La Union mamayang alas-7:00 ng gabi.
Ang naturang paligsahan sa pag-awit ay handog at pasasalamat ng Bombo Radyo La Union sa mga tagapakinig at bilang bahagi na rin sa kasiyahan ng pagdiriwang ng ika-21 foundation anniversary o piyesta ng lungsod ng San Fernando.
Umaabot sa 19 na finalist sa “kabataan” at adult category mula sa iba’t ibang lugar sa Northern Luzon ang kasali sa Bombo Singing Idol na maingat at sinalang mabuti ng screening commitee ang magpapagalingan sa biritan sa ibabaw ng entablado.
Samantala, tatanggap naman ng mga cash prizes at trophies ang tatanghaling kampeon at mga mananalo sa naturang singing contest.
Nagsimula naman ang Bombo Singing Idol noong pang 2013 at taun-taon itong ginaganap sa lalawigan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga local amatuer singers na ipakita ang kanilang talento sa pag-awit.