-- Advertisements --

PASAY CITY – Inamin ni Sen. Bong Go na nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na hindi dumalo sa kanyang ikaapat na State of he Nation Address (SONA) kung hindi agad mareresolba ang botohan sa pagka-House Speaker.

Ayon kay Go, sinabi ng pangulo na nanaisin na lang nitong magpahinga kaysa pumunta sa Batasang Pambansa para magulat sa mga Pilipino.

Sa kabila nito, tiwala ang bagong senador na magiging maayos ang eleksyon ng mga kongresista para sa bago nilang lider ngayong 18th Congress.

Ito’y dahil nauna na rin umanong magusap ang mga mambabatas hinggil sa kanilang ihahalal na bagong House Speaker.