Mistulang nagpahiwatig ng pag-atras sa vice presidential race si Senator Christopher “Bong” Go sa kanyang emosyunal na talumpati sa Antipolo, Rizal.
Sinabi ni Sen. Go, 38 araw na siyang kandidato bilang bise presidente, pero malalaman na lang sa mga susunod na oras ang pagbabago sa mga kandidato.
“Maaring may magbabago sa mga tatakbong posisyon sa mga darating na araw, ang problema po dyan kailangan umiwas, gustuhin ko man pong magsilbi sa inyo bilang bise presidente dahil sa kagustuhan ng mahal na pangulo, kailangan ko pong umiwas, malalaman niyo po yun sa mga darating na araw,” ani Sen. Go.
“Kung kailangan kong umiwas, wala po akong magagawa, pero ito lang po ang maipapangako ko sa inyo, kahit kapitan, kahit ordinaryong tao lang po ako, patuloy po ako magseserbisyo sa ating bansa.”