-- Advertisements --
Labis ang pasasalamat ng senatorial aspirant na si dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go sa Iglesia ni Cristo (INC) dahil sa endorsement sa kanya sa May 13 elections.
Kaugnay nito ay tiniyak ni SAP Bong sa INC na sususklian niya ng serbisyong tapat at serbisyong makatao dahil ang pagsisilbi umano tao ay pagsisilbi rin sa Diyos.
Sinabi ni Go, wala naman talaga silang ibang hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi ang magsilbi sa tao at sa bayan.
Aminado naman si Go na malaking tulong ang endorsement ng mga religious groups dahil marami naman talagang tagasunod ang mga ito.