-- Advertisements --
Iginiit ni Senator-elect Bong Go na hindi dapat pinatatagal ang pagtulong at serbisyo sa mga nangangailangan.
Pahayag ito ni Go sa kanyang pagdalaw sa mga biktima ng sunog sa Sitio Gulayan, Barangay Moonwalk, Multinational Village, Parañaque City.
Sinabi ni Go, ayaw niya kasing patagalin pa kung kaya din namang bigyan agad ng solusyon ang problema gaya ng pagsagot niya sa uniporme at mga gamit sa eskuwela ng mga estudyante para agad makabalik sa klase ang mga ito.
Agad na nagdala si Go ng cash assistance, relief goods at iba pang tulong ang nasa 50 pamilya na nawalan ng tirahan.
Binigyang-diin ni Go na hindi niya matitiis na nakaupo lang sa kanyang opisina at nagpapalamig gayung may mga nangangailangan ng tulong.