Nanawagan si Senador Christopher Bong Go kay Senadora Imee Marcos na pumagitna kina Vice President Sara Duterte at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa kaayusan ng lahat at kapakanan ng bawat Pilipino.
Kasunod na rin ito ng naging mga tirada ni VP Sara sa Pangulo, First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.
Sinabi pa ng bise na kumontrata na siya ng assassin upang patayin si Pangulong Marcos Jr kung may mangyari sa kanya.
Ayon kay Go, kung napagsama raw ni Senadora Imee ang UniTeam na Marcos at Duterte noong nakaraang eleksyon, baka pwede aniyang maging instrumento ito ng kapayaan at kaayusan sa dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.
Giit ng senador, niluklok sila ng taumbayan upang magtrabaho.
Nag-ugat ang mga tirada ni VP Sara makaraang maglabas ng utos na ilipat mula sa House detention facility patungo sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City ang kanyang chief of staff na si Undersecretary Zuleika Lopez
Sinabi ni Duterte na ang planong paglipat ay isang “attempted homicide.”
Si Lopez ay na-cite in contempt sa Kamara dahil sa “undue interference” sa pagsisiyasat ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President.