-- Advertisements --

Emosyonal si Sen. “Bong” Revilla Jr., sa paggunita sa unang taong anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang ama na si dating Sen. Ramon Revilla Sr.

Ayon sa actor turned politician, bagama’t isang taon na ang lumipas ay para bang katumbas lang ng kahapon ang pangungulila pa rin nito.

Ramdam aniya nito na kailanman ay hindi ito masasanay na wala na ang tinaguriang Hari ng Agimat sa Philippine movies at mananatiling buhay ang mga alala nito.

“It’s exactly a year ago when you passed Daddy, but it still feels just like yesterday. May mga araw pa ding gumigising ako’t naiisip kong nandyan ka pa. Ipinagpapasalamat ko ang mga pagkakataong iyon dahil kahit nahihimasmasan akong lumisan ka na, ay nararamdaman kong hindi mo kami iniiwan,” bahagi ng pahayag ng nakababatang Revilla.

Ganap na alas-5:20 ng hapon noong June 26 ng nakaraang taon nang pumanaw ang dating aktor at mambabatas sa edad na 93 dahil sa heart failure.

Isinilang bilang José Acuña Bautista, siya ang bunso sa 10 anak ng mga negosyanteng sina Inddefonso Bautista at Andrea Acuña.

Sinasabing mayroong 72 anak si Revilla Sr., mula sa iba’t-ibang babae, pero 38 lang sa mga ito ang opisyal na nakilala at nagdala sa kaniyang apelyido.

Si Evelyn Bautista-Jaworski ang panganay ni Revilla Sr., na asawa ngayon ng basketball legend at dati ring senador na si Robert Jaworski.

Bunso naman sa maraming anak ni Revilla Sr., ay nagngangalang Abigail.

Si Azucena Mortel naman ang umano’y pangalawang partner ni Ramon Revilla kung saan pito ang kanilang naging anak kabilang si Ramon “Bong” Revilla Jr., at Edwin “Strike” Revilla.

Siyam naman ang naging anak nito sa dating aktres na si Genelyn Magsaysay kabilang sina Ram Revilla, Ma. Ramona Belen (Mara), at Ramon Joseph (RJ) Bautista.