Pormal nang inanunsyo ngayon ni dating Sen. Bongbong Marcos na tatakbo siya sa pagkapangulo sa 2022 presidential elections.
Ginawa ni Marcos ang pahayag kasabay nang inagurasyon ng kanyang campaign headquarters sa EDSA, Mandaluyong City.
Hindi pa naman ngayong araw ang paghahain niya ng certificate of candidacy (COC).
Una nang itinakda ng Comelec hanggang Oktubre 8 ang deadline ng filing ng COC.
Sa ngayon wala pang binabanggit si Marcos kung sino ang kanyang magiging ka-tandem.
“I am announcing my intention to run for the presidency of the Philippines in the upcoming 2022 elections,” ani Marcos na ang ama ay napatalsik sa people power revolution noong taong 1986. “I will bring back unifying form of leadership in the country.”
Samantala, nanumpa rin naman si Marcos sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas sa harap ng general campaign manager na si Vic Rodriguez.
Si Rodriguez ang siya ring tumatayong kanyang election lawyer.
Sinasabing si Marcos na rin ang tatayong chairman ng nasabing partido.