-- Advertisements --

Pormal nang inanunsyo ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) party na si dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos ang kanilang napiling presidential bet sa nalalapit na 2022 national elections.

Ang KBL ang political party na binuo ng ama ni Bongbong na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kung tatanggapin niya ito, ito kauna-unahang presidential bid ni Bongbong Marcos.

Bagama’t nakakataba aniya ng puso na makarinig nang paghikayat sa kanya para tumakbo bilang presidente, sinabi ng dating senador na tintitimbang pa niya sa ngayon ang mga options na mayroon siya.

Kinukonsidera aniya niya ang “practical side” kung talaga ba na masyadong suntok sa buwan ang panawagan sa kanyang tumakbo sa pagka-pangulo, o kaya namang maipanalo ito.

Sa ngayon, nilinaw ng senador na wala pa siyang desisyon hinggil sa usapin na ito pero kinukonsidera ang pagtakbo sa national post.

Magugunita na nagsilbi si Bongbong Marcos bilang vice governor ng Ilocos Norte mula 1981 hanggang 1983, at naging governor naman ng Ilocos Norte mula 1983 hanggang 1986.

Matapos ang isang dekada, tumakbo siya bilang kongresista ng Ilocos Norte 2nd District.

Nanalo siya rito at nagsilbing kongresista mula 1992 hanggang 1995, pero nahalal ulit bilang gobernador noong 1998 hanggang 2007.

Bumalik siya sa Kongreso noong 2007 hanggang 2010, at naging senador naman hanggang 2016.