-- Advertisements --
Tinanggihan ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang nilulutong term-sharing sa pagitan nila ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Sinabi nito na kaya mayroong anim na taon na termino ang bawat pangulo ay para magkaroon ng matatag na polisiya sa gobyerno.
Hindi aniya makakabuti ang term-sharing sa gobyerno lalo na sa mga tao.
Nauna ng nanindigan si Marcos na hindi na ito aatras sa pagtakbo sa pagkapangulo kahit na may pinapalutang ang pagiging bise presidente na lamang niya kay Duterte-Carpio kapag nagdesisyon na itong tumakbo sa pagkapangulo.